
It’s been a while…
I’m living in a world full of lie,
Now all I want is to die.
I lost the reason why…
I lost the reason why I should keep up with this world full of lie.
But at least I got a reason why I should die.
I’m sick and tired.
Somehow, I wish I should have died.
May be now, or tomorrow?
May be til the day I can no longer bear the sorrow.
I don’t know. But don’t worry…
I’ll let you know.
being sleepy is part of my personality.
Ito yung mga panahon kung kelan lubos kong minahal ang Tumblr. Oo, Tumblr. Yung blogsite. Halos 24hrs ako dun nakatutok, nagsusulat at nagiiscroll. Nakakatuwa at nakakamiss ang mga panahong mataba pa ang utak ko at tila hindi nawawalan ng isusulat. Kaso, dumating ang araw na kelangan ko na rin mabuhay sa realidad ng pagiging “grown up” at maghanap ng trabaho at magfocus sa hinaharap.
Nung 2009-2011, may mga bagay na nauso sa Tumblr, karamihan don eh wala na ngayon.
1. Online Check. Ito ang post na kadalasan eh mas madami pang likes kesa sa actual at seryosong post mo para malaman kung gaano karami ang online sa oras na yon.
2. Describe/Promote Blogs. Kung saan ilalarawan mo ang blogs na napili mo para na rin maadvertise ito at dumagdag ang followers. Minsan may magsesend sa Ask box mo ng mga blogs na gusto nilang idescribe mo.
3. TTH (Titillating/Topless Thursdays). Isa sa pinakainaabangan ng madlang tumblr people tuwing Huwebes ng gabi. Mga post na nakakaakit at nakakapag painit ng gabi hahaha. Kaso minsan may mga taong sumosobra sa pagpost at naipapakita ang mga hindi kanais nais hahaha. Nagkakaroon tuloy ng bashers at haters pero lumilipas din naman.
4. Bashers/Haters/Anon. Mga pampadagdag “spice” sa buhay ng isang blogger. Ayaw nila sayo so tatadtarin nila Ask mo ng hate messages at lahat ng masasakit. Usually anonymous sila kahit may option na ipakita pangalan para syempre hindi sila matrack at mabash back. Hahaha
5. Tumblr Loveteams. Hehehehehe. Alam niyo na yan. Usong uso yan noon. Madalas nagkakatuluyan yung mga pinipair ng followers na bloggers. Example: KhyeRhads hahaha
6. “Ate/kuya pafollowback po” Ang madalas na makikita mo sa Ask mo kung hindi paghingi ng advice. May ibang nagagalit pag hindi pinafollowback at nagiging hater at nagaanon sa Ask mo para sabihin na iuunfollow ka niya.
7. Tumblr Idols. Yung isscreenshot pag finollow back ka ng idol mo. Naks.
8. Typos and Graphics. Yung may quote ka tapos ipapaste mo sa magandang background. Mostly about love ang topic.
9. Greying. Eto yung pinakasikat na theme ng blogs noon. Pahirapan sa pag edit para magmukhang unique but simple ang blog mo.
10. Tumblr tropas. Nabuo yung barkadahan na nagsimula sa Tumblr. Yung iba, hanggang ngayon, barkada pa rin. May nawala, may dumagdag. Hindi imposible yung mahanap ang totoong kaibigan kahit sa Online lang kayo nagkakilala at nagkakausap.Nakakamiss lang talaga! Ang sarap mag-reminisce hahaha. Kaway kaway sa mga 2009 blogger like meeeeh haha.
PS. Credits to (Khye Peñaflor aka TheSkullCandiii)
HAHAH OH OLAF
OLAF ♥
- Yung instant boyfirend at tatay mo.
- Yung magagalit pag may ma-attached na lalaki sayo.
- Yung magagalit pag anong oras kana umuwi.
- Yung pagbabawalan ka umalis pag lalaki ang kasama mo.
- Yung ipagtatangol ka sa mga umaaway sayo.
- Yung pag may nanliligaw sayo sakanya una dadaan.
- Yung lalambingin ka pag alam niyang nagagalit ka sakanya.
- Yung mas mahigpit pa kesa sa tatay mo.
- Yung ihahatid ka kung saan ang lakad mo para masiguradong duon ka talaga pupunta.
- Yung tatawagan ka kung nasaan ka, kung anong oras ka uuwi.
- Yung haharutin ka kapag alam niyang busy ka.
- Yung ihahatid ka niya sa school pag wala siyang pasok.
- Yung kahit magka girlfriend siya hindi niya makakalimutan ang responsibilidad niya sayo.
- Yung ayaw na ayaw na uuwi ka ng maaga.
Masarap siguro magkaroon ng kuya noh?! Yung siya ang magpaparamdam sayo na hindi ka nag-iisa na kahit iwanan ka ng ibang tao anjan parin siya sa tabi mo. Lahat naman siguro gusto magkaroon ng ganito diba? Ang sarap lang sa feeling kung may mag-aalaga sayo at magmamahal sayo na parang boyfriend mo. Yung mahal na mahal ka niya na tatawagin ka niyang “Lil sis”. Sana may kuya din ako no para maramdaman ko din yung ganito. Lalo na pagnag boyfriend ka bukod sa kutos ng tatay mo, May suntok ka pa sa kuya mo.